Just a Great Failure; What Makes Philhealth Useless ~ Kwentology


Tanggap ka na sa trabaho. Bago ka magsimula kailangan mo munang ipasa ang mga kaukulang dokumento. At isa na dito ang pagpamembro sa Philhealth. Halos lahat sa atin ay siguradong matutuwa dahil sa benipisyong matatanggap mula sa ahensyang ito. Subalit, nitong nakaraan lamang ako ay inatasan na ipa-opera ang aking luslos o 'inguinal hernia'. Sa tagal ko ng naghulog ng kontribusyon sa Philhealth inaasahan kong ito na yung panahon. Kung saan magagamit ko na rin sa wakas ang aking pinaghirapan.

Sa loob ng halos 3 taon, nagtrabaho ako bilang call center agent. Alam kong tapat ang aking kumpanya pagdating sa paghuhulog ng aking mga kontribusyon. Lumipas ang mga taon at napag-isipan kong mag-abroad. Kaya umalis ako sa aking pinapasukan. Inasikaso ko ang aking mga papeles. Inabot ako ng halos 7 buwan. Ibig sabihin lang nito ay pitong buwan din akong walang trabaho.

Habang pinuproseso ko aking medical examination para sa abroad. Napag-alamang lumaki ang luslos ko. Aminado akong wala akong nararamdaman dito. Subalit, kailangan pa ring pa-operahan. Kaya lang malaki ang babayaran sa pagpapa opera ng luslos. Sa private clinic o hospital aabutin ng PHP 10-15 thousand at 6 thousand pesos naman sa government hospital tulad ng University of the Philippines General Hospital (PGH).

Sa PGH ako huling lumapit dahil sa wala na rin akong panggastos. Wala rin akong mauutangan, ito ay dahil na rin sa baon na rin ako sa pagkaka-utang maiproseso lamang ang aking mga papeles. Natuwa ako noong sinabi ng doktor na pwedeng libre ang pag-opera lalo't membro ako ng Philhealth. Upang magamit bumisita ako sa opisina nila. Ngunit, ang ngiting aking dala-dala patungo sa loob ng opisina nila ang napalitan ng lungkot at sama ng loob ng aking nalaman ang mga sumusunod.

Image of Philhealth System Problems


Philhealth Account Deactivated


Ito ang sabi sa akin ng Philhealth. Paano nangyari ito? Paano na ako?

Sabi ng Philhealth lagpas na ng anim na buwan walang hulog.

Gusto ko sanang bayaran 'yung 3 months para naman magamit ko ulit. Pero hindi na daw pwede. Wala bang konsulasyon diyan o pang pampalubag-loob? Wala! Sa madaling salita wala silang maitutulong sa akin.

Ang sabi ko, "Meron bang paraan para mabawi ko pa ang pera ko sa inyo? Akin pa rin naman iyun, tama ba? Isa pa tatlong taon mahigit din 'yun." Ngunit, lahat daw ng mga kontribusyon ay tuluyan ng naglaho.

Kung ating titingnan, sa mga social networking o mga website kung saan tayo nakarehistro. Gaya na lamang ng Facebook, Twitter o Google. Anuman ang mangyari sa ating mga account lalo na kapag deactivated pinapa-alam nila sa atin ito sa pamamagitan ng email o text message.

Ito pa, sa tunay na buhay. Bago pa man i-deactivate o putulan tayo ng tubig o linya ng kuryente. Laging pinapadalhan muna tayo ng 'Notice of Disconnection'.

Tanong ko tuloy, "Bakit di ito ginawa man lang ng Philhealth? 'Di sana nagawan ko ng paraan."

Lack of Customer Education


Sa unang sabak ko pa lang bilang membro ng Philhealth. Maraming katanungan na agad ang pumasok sa aking isipan. Kaya naman sinamantala ko na rin ang pagkakataong masabi sa Philhealth ang mga naging pagkukulang nila sa kaso ko.

Sa loob ng mahabang panahong pagtatrabaho. Wala ni isa sa mga tauhan ng Philhealth ang bukas-loob na magbigay ng nararapat na impormasyon. Sa tingin ko, hindi lang ako nag-iisa. Noong nagkasagutan kami ng taga-Philhealth nasabi n'ya rin sa akin na maraming tulad ko ang may parehong kinahinatnan. Dapat daw kasi bago pa man mawala o umalis sa trabaho ang isang empliyado. Na-inform na ng kumpanya nito ang tungkol sa mga dapat gawin ng nagresign na empliyado na kasapi ng Philhealth.

Tanong ko tuloy, "Bakit inaasahan ng Philhealth na gagawin ng pribadong kumpanya ito?"

Sa akin lang kasi hindi dapat ganun ang sistema ng Philhealth. Aaminin kong hindi pulido ang management ng dati kong pinapasukan. Mas maganda kung sila mismo ang pumunta sa amin, dalawin kami at magbigay ng seminar at mga orientation. Doon pa lang tiyak alam na namin ang lahat. Hindi kaya sinasadya talaga ng Philhealth mangyari ito sa mga membro? Kaunting kaalaman lang ito pero makakatulong sa mga active Philhealth members na sana 'di sila matulad sa akin at sa ibang may kapareho kong kaso.

Any Reasons to Continue with Philhealth?


Noong ipapanganak ang baby namin ng dati kong kinakasama. Doon ko naisip gamitin ang Philhealth. Pero hindi ito madali, hindi kasi kami kasal. Maaring magamit lamang ito sa bata kapag bininyagan at naiparehistro na. Kung kaya halos buwan din ang aking gugugulin sa pag-aayos ng dokumento ng aming anak. Kailangan kasi naka-apelyido sa akin ang bata kahit 'di kami kasal. Doon ko pa lamang maaring mabawi ang mga nagastos.

Ang ginastos ko sa hospital ay binayaran ko na lamang. Sa dami ng aking dapat gawin at abala ako sa trabaho hindi ko na pinaglaanan ng oras ang proseso sa Philhealth. Kung kaya nagkapangalan man at nagkabuhay ang aking anak. Wala sa bahagi nito ang Philhealth.

Sa mga kabiguang naidulot sa akin ng Philhealth nagdesisyon akong tuluyan ng pabayaan at hindi na kailanman huhulugan ang dapat na sana'y kontribusyon. Sariling bulsa ko pa rin ang huli kong takbuhan. Magkatrabaho man ulit ako, ako na mismo ang gagawa ng paraan na huwag magkaroon ng anumang koneksyon sa Philhealth. Pwersahan ko itong ipapatanggal sa aking mga remittances.

Mangyaring kukuha na lang ako ng private health insurance at benefits. Sa totoo lang, mas nagamit ko pa ang serbisyong galing sa MediCard at MaxiCare kumpara sa Philhealth. Kagandahan pa, ang mga hindi nagamit o mga natirang benipisyo, pweding reimbursement na lang kada taon.

Sa nangyaring ito, pakiramdam ko tuloy. Pasimpleng kinarakot ako ng Philhealth.

Sa mga pinagkaka-utangan ko, bilangin n'yo na lang muna 'yan. Tulungan n'yo muna ako. Kapag nagkatrabaho na ako mababayaran ko rin kayo!
Thank you for reading posted on the website if you want to redistribute this article please include the link as the source. Have some kuwento to share? !

Latest Posts