Habal-habal Na Dating sa Bundok Lamang Sikat Nakarating Na Rin sa Siyudad - The Metro Manila Motorcycle Taxi ~ Kwentology


Dahil sa ginhawang dulot ng motorsiklo, dumadami ang bilang ng mga gumagamit nito. Sa huling tala ng Land Transportation Office mataas na ang bilang ng rehistradong motorsiklo sa bansa;
  • 7,690,038 registered motorcycle in the entire Philippines.
  • 2,101,148 found in Metro Manila.
Dahil sa matinding problema ng trapik sa Kamaynilaan, may ilang pribadong riders na rin ang nag-aalok ng kanilang serbisyo sa mga pasahero.
Image of Habal-Habal in Philippines
Ang habal-habal o motorcycle taxi ay mas tinatangkilik ng mga manggawa sa Makati at Taguig. Gaya na lamang ng ilang riders na nag-aabang sa Ayala, Lungsod ng Makati. Ang karaniwang pasahero ay hinahatid nila mula Ayala hanggang Global City sa Taguig. Kung biyaheng jeep o bus ay aabutin ka ng 30-40 minutes sa byahe.

Ilan sa mga lugar kung saan sila kadalasan nag-aabang ay;
  1. McKinley Road papuntang Ayala
  2. Shell Station bandang EDSA
  3. Staff House sa may pilahan ng mga taxi
  4. Jeepney Terminal from Ayala MRT Station to Market-Market
  5. Minsan nag-iikot sila sa may Global City o naglalagari.

Magkano ang Pamasahe sa Motorcycle Taxi?

Habal-Habal Sa Global City
Image of Motorcycle Taxis in Taguig to Makati
Angkas-angkas lamang at ihahatid ka na. Noong 2005 daw umano unang dumami ang pasahero sa araw.
  • P20 ang bayad para maka-angkas sa habal-habal sa unang kilometro.
  • P20 naman ang singil sa dagdag kilometrong biyahe.
Sa puso mismo ng Makati Central Business District makikitang nakapustura ang babae at nakapang-opisina ang lalaki. Umaangkas ang pasahero at para din sa seguridad nila - binibigyan din sila ng helmet.

Disadvantage
  • Expensive kumpara sa ibang transportasyon.
  • Maaring gamitin sa krimen gaya ng riding-in-tandem.

Advantage
  • Kung sa habal-habal naman 15-20 minutes nasa trabaho o opisina ka na kaya iwas late.
  • Isang pasahero lang ang maaring isakay ng motorcycle taxi.
  • Ang driver at pasahero ay parehong may helmet.

The Risk of Being a Motorcycle Taxi Rider

Sa kabila ng ibayong disiplina na pinapairal ng mga motorcycle taxi drivers sa kalsada at sa ginhawang hatid ng habal-habal sa mga pasaherong tumatangkilik nito. Nananatiling bawal at hinuhuli pa rin ito sa ibang lungsod gaya ng Makati, Taguig, at Paranaque.

P5,000 ang multa kada huli.

Sa ilang taong pamamasada malamang nakailang beses na ring nahuli ang mga driver ng habal-habal. Pero dahil ito ang pangunahing hanap-buhay ng iilan. Patuloy pa rin sa pamamasada at nakikipag-sapalaran para maitaguyod ang pamilya.

Gawin ng Legal ang Habal-habal!

Gayunpaman, hanggad ng habal-habal riders na mapahintulutan na sa kalsada ang alternatibong paraang ito ng pampublikong transportasyon.

Sa hirap ng buhay, kakulangan sa trabaho na mailalatag ng pamahalaan, at kung tutuusin isa itong marangal na trabaho. Ang kailangan na lamang ay maorganisa ito ng ating gobyerno. Paano ba naman kapag nahuli ang isang habal-habal mas maraming pamilya ang nagugutom.

Kailangan lamang na ang gobyerno ay mamagitan at gumawa ng batas na para sa mga habal-habal drivers ay malugod nilang susundin, gaya na lamang ng proper terminals.

Sa ngayon, nakabinbin pa rin sa Kamara ang isang panukalang batas para upang gawing legal ang operasyon ng mga habal-habal sa Pilipinas. Layunin nitong hindi lamang maproteksyunan ang karapatan ng mga tsuper at operator ng habal-habal kundi siguraduhin din ang kaligtasan ng mga pasahero nito.

Kapag na-legalized kasi ang pamamasada ng mga motorcycle taxi. Magkaroon na din ito ng mga panuntunan kaya magiging safe ito hindi lamang sa mga nagmamaneho nito maging para din sa mga pasahero nito.

About Author:


loves to create Science Investigative Reports. He also writes different topics and manages Kwentology.

Follow him @Kwentologist FB | Twitter @Browse10

Thank you for reading posted on the website if you want to redistribute this article please include the link as the source. Have some kuwento to share? !

Latest Posts