Iwas Traffic Mula sa MMDA: Bagong Mobile App Para Maka-iwas sa Lugar na May Aksidenteng Nangyari ~ Kwentology


Isang makabagong app na ginawa ng MMDA upang mamonitor ang mga insidenteng nangyayari sa kalsada. Layunin po nito na iiwas at ng hindi na maipit pa sa traffic ang mga motorista.
Image of MMDA Traffic Accident Alerts App
Maliit man o malaki, matinding abala ang dulot ng mga traffic accident sa mga motorista. Mabawasan lang kasi ng kahit isang lane kahit ng ang malalaking kalsada gaya ng EDSA sigurado usad pagong agad ang traffic!

Dahil dito naisipan ng MMDA na gumawa ng "MMDA Traffic Accident Alerts App" para sa mga Android Phones at Tablet. Layunin nito na makapagbigay ng impormasyon sa mga motorista kung may dapat bang iwasan na kalye dahil sa aksidente.
  • Libre lamang na mada-download ang app. Meron itong line view na naglilista sa mga pangunahing lansangan.
  • Map view naman na may kulay pulang mga pins na kapag na-click ay mapapakita ng detalye sa aksidente na nangyari sa isang lugar.
  • Kapag na-clear na ang aksidente, mawawala na ang pulang pin sa mapa at pwede ng madaanan ang kalsada.
Ayun sa MMDA, mataas ang bilang ng aksidente sa Metro Manila na pumapalo sa 60 hanggang 65 kada araw (20-25 nito naitatala sa EDSA).

Kung maibaba daw sa 10 ang bilang ng aksidente sa lansangan. Giginhawa raw ang byahe ng mga motorista. Magiging posible lamang ito kung susunod sa batas trapiko at siguruhing nasa kundisyon ang bawat sasakyan.
Download the App Please Click:
Bukod pa sa aksidente nagbibigay rin ng notification ang App gaya ng;
  • Sunog
  • Baha
  • Rally
  • at Mall Sale na pwede pagsimulan ng mabigat na traffic.
Dagdag pa ng MMDA, ang version para sa iOS devices ay ilalabas din sa mga susunod na update.

About Author:


Booze your mind with answers to questions you never thought to ask. Packed with more educational stories than ever before. provide fast facts, up-to-date information, and notable news in every pages. Plus games, trivia, and more!

Thank you for reading posted on the website if you want to redistribute this article please include the link as the source. Have some kuwento to share? !

Latest Posts