Call Center Agent Confessions; Mga Kwentong Kababalaghan Ayun sa Tunay na Karanasan ~ Kwentology


Marahil ito ang pangalawang beses na gumawa ako ng kuwento dito sa Kwentology sa lengguwaheng Filipino. Sa ganitong paraan ko din siguro sasabihin na simula ngayon ako ay magsusulat na rin ako ng marami pang kuwento sa wikang sariling atin. Yup, tama po! Ngayon magsusulat na din ako ng mga tagalog na artikulo o TagLish. Isa pa sa kadahilanan ay hindi sapat ang aking oras para asikasuhin pa ang iba ko pang mga blogs. Kaya ngayon, welcome sa pinalawak na Kwentology.

Ang kuwentong ito ay atin!

Ngayong papalapit na ang Undas. Marami na naman tayong kwentong kababalaghan na mapapanood at maririnig. Naalala ko pa dati, kung batang 90's ka malamang naaalala mo rin ang ''Magandang Gabi Bayan'' ni Nole de Castro. Tutulakbong ka sa takot kapag napapanood mo ang bawat serye ng Halloween Special ng MGB.

Swak talaga panoorin!

Pero kung titingnan 'yung iba ay paulit-ulit na lang. Nakakasawa, kaya ito ngayon may hatid akong kwento para sa inyo.

Mga Kwentong Nakalap

Ang mga kuwentong ito ay hindi base sa imahinasyon ko lamang. Kundi mga kwento ito na nai-share ng mga katrabaho ko nung minsang nasa training period pa lamang kami.

Tulad nga po ng sabi ko na minsan naging call center agent din ako. At 'yung mga karanasan nila binahagi din nila sa amin.

Habang sinusulat ko ito ay 'yun namang paninindig ng balahibo ko. Naiisip ko lang kasi kung sa akin siguro nangyari 'yun malamang magtatatakbo ako sa takot. Oh, s'ya simulan ko na ang kwento. Kung mangyari maikling kwento na lamang para naman 'di nakakatamad basahin. Sana ay maibigan ninyo ang tatlong kwentong ito.

Tandaan, upang mapangalagaan ang mga tauhan at mga lugar sa kwento sinadya kung ikumbli ito sa ibang pagkakakilanlan.

Sa Loob ng Training Room [Unang Kuwento]

Training Room
Image of Mga Kwentong Kababalaghan Ayun sa Tunay na Karanasan
Abala ang lahat, masaya, may activity, may groupings at s'yempre maingay ang buong training room. Hanggang sa natapos nga ang wave na kinabibilangan ni Cathy. Pagkatapos nun lahat ay nag-CR break muna. Kaya sa banyo nag-uunahan sila. Mga kinse minutos din ang nakalipas nung bumalik ang lahat sa kwarto para sa susunod na session.

Upang hindi yamutin, nagpaka-isahan ng lahat ng magkaroon ng trivia question. Paikot sa buong wave at bawat isa ay dapat magtanong at sasagutin naman ng lahat. Hanggang ang huling trivia question ay napunta sa kanilang instructor.

Nagtanong ang instructor at dahil na rin sa logical na may kasamang history ni isa sa mga trainees walang nakasagot maging si Cathy. Napakatahimik ng buong kwarto kung saan sila nagti-training noon.

Dahil na din sa maliit na bilang ng wave nina Cathy. Ang mga upuan lamang sa harapan ang akupado.

''Yes, guys we're just ten people on that wave. All of us occupied sits on the first row. Our mentor was in front center table. No one is behind us,'' ayun kay Cathy.

Dagdag pa n'ya, ''It was unfortunate for me to hear someone at the back. Someone who whispers a name...? It was cold, not because of air-conditioning but I guess something is unusual.''

Dahil na rin sa 'di mapaliwanag na pakiramdam binulungan ni Cathy ang katabi. ''Uy, may narinig ka ba?''

''Yes, Cath...,'' sagot ng katabi ni Cathy.

Lingid sa kaalaman nina Cathy lahat pala ng mga kasama niya kabilang din ang kanilang instructor ay nakarinig at nakaramdam ng kakaiba. Subalit upang maiwasan ang masamang kutob pilit nilang tinapos ang training sa ganung araw.

Ghostly Unwanted Participant

Image of Ghost inside the room
Labasan na at marami na ring tao ang papalabas sa gusali kung saan sina Cathy ay nagti-training. Kasama ang mga wavemates sabay-sabay silang lumabas ng kuwarto.

''Guys, may narinig ba kayo kanina na may bumulong?" tanong ni Kerby habang papalabas sa pintuan.

''Hmmm... Parang 'yun din ata ang sagot sa tanong kanina ni Ms. Angel.,'' sabi ng isa sa kasamahan nila.

Dumeretso ang lahat sa pantry para pansamantala ay kumain at dun na rin kasi ang dismissal ng buong wave. Habang abala ang lahat bigla namang dumating si Ms. Angel, ang trainor ng buong wave.

''You've heard that voice earlier, right? It was a female voice which answered my trivia question. She mentioned the name of a certain Hollywood celebrity...,'' nakangiting sabi ni Ms. Angel.

Paliwanag ni Ms. Angel ang mahinang boses na narinig ng klase kanina ay galing daw umano sa multo. Ang multo daw ng babae sa gusaling iyon ay nakagawian nang sumali sa training session ng mga new hired employees.

Ayun din umano kay Ms. Angel ang multong ito ay tagahanga ng naturang celebrity. Kaya naman sa tuwing may question and answer na may kinalaman sa sikat na Hollywood actress. Agad daw itong sinasagot ng babaeng multo.

About Author:


loves to create Science Investigative Reports. He also writes different topics and manages Kwentology.

Follow him @Kwentologist FB | Twitter @Browse10

Thank you for reading posted on the website if you want to redistribute this article please include the link as the source. Have some kuwento to share? !

Latest Posts