Health Tips: Mga Solusyon sa mga Nakakalbo at Nalalagas na Buhok ~ Kwentology


Ang paglalagas ba ng buhok inyo bang pinuproblema? Well, to the rescue ang aking paalala. Syempre ito ay simple, madali at budget-friendly pa.
Image of Treatment sa Hair Loss
Ano nga ba ang gagawin sa buhok mong nalalagas? Kung nakiki-level sa Halloween ang buhok n'yong nagsisilagasan may ilang tips ako para ito ay mapigilan.
  • Ang average na bilang ng hair strands ng isang tao ay umaabot sa 100,000. Ayun sa eksperto, normal lang daw na malagasan ng 50 hanggang 150 na strands sa isang araw. Lalo na sa mga babaing may mahahabang buhok.
  • Mas nai-stimulate daw ang pagtubo ng mga buhok sa mga lugar na may katam-tamang init ng panahon. Kaya mas mabilis ang hair growth natin kumpara sa mga taong naninirahan sa malalamig na lugar.
Pero paano kung ang mabilis na pagtubo ng buhok ay napag-iiwanan din ng mabilis nitong pagkalagas? Kagaya na lamang ng iba na may katakot-takot na experience sa hair fall.

Causes and Treatment for Hair Loss

Kapag marami na ang nalalagas na buhok. Mitsa na ito para tayo ay ma-alarm. Kailangang alamin kung ano ang dahilan ng hair fall.
Olive Oil at Egg Yolk
Image of Iwas Pagkapanot

Over sa Saloon

Isa sa sanhi ng excessive hair fall ay ang sobrang treatment ng buhok. Dahil dito mabilis na humihina ang hair strand at kapag nanigas na ay madali itong malagas o maputol.

Para sa problemang ito matatagpuan sa kusina ang solusyon! Kailangan lang paghaluin ang dilaw ng itlog at olive oil.

Ang mixture na ito ay magpapatibay daw ng hair stands para di ito madaling ma-break.

Ang egg yolk at olive oil ay mayaman sa protein.

Sobrang Stress

Ang pangalawang hair fall cause naman ay walang iba kundi stress. Kung tayo ay stress, napipigilan ang mga hair folicles na magproduce ng bagong buhok. Kaya nawawalan tayo ng pamalit sa mga hair strands na kusang nalalagas. Nangyayari ito sa mga taong stressful ang schedule. Gaya na lamang ng pagsasabay ng pag-aaral at pagtatrabaho.

Ang solusyon magtatagpuan sa buto ng lime (kalamansi) at paminta (pepper) na nagpo-promote ng hair re-growth.

Durugin lamang ang mga buto ng lime at ihalo ito sa paminta. Lagyan ng kunting tubing (1 kutsara) para maging paste.

Ang buto ng kalamansi at paminta ay mayaman sa Vitamin C at anti-oxidant. Nakakatulong daw umano ito upang pagtibayin ang hair strands at hair folicles. Sa mixture, dapat ay katamtaman lamang ang dami ng pepper para 'di ito matapang.
  • Magandang kumbinasyon ang dalawa. Subukan ang mixture ng egg yolk at olive oil sa buhok. At ganun naman ang mixture ng paminta at lime seeds sa anit.
  • After 15 minutes pwede na itong banlawan.
Nakakatulong din daw ang pagmamasahe ng ating scalp bago o habang naliligo dahil naii-stimulate ang blood flow. Sanhi din kasi ng hair full ang di sapat ng pagdaloy ng dugo sa anit.

Malnutrition

Isa pang sanhi ng paglagas ng buhok ay ang di sapat na nutrisyon o sustansya kagaya ng Vitamins A, B, and C. Mukhang ito daw ang problema ng karamihang mahihilig sa junk foods. Kapag meryenda time agad na bibili ng chitchirya o inihaw sa labas.

Ang effective paste dyan ay ang pinaghalong katas ng carrots at olive oil.

Taglay ng carrots ang beta-carotene na nagpapa-healthy sa hair folicles na tinutubuan naman ng buhok. Pinapatibay at napapaganda din ng carrots ang strand ng buhok

Ang sibuyas naman ay may anti-fungal properties. Kaya maari ring gamitin ang onion paste na mula naman sa katas ng sibuyas.

Pinapataas nito ang blood circulation sa ating scalp kaya napapabilis ang pagtubo ng buhok.

Iron Deficiency

Ang huling cause naman ng hair fall sa aking listahan ay ang kakulangan sa iron. Isa din itong nutrient na pumipigil sa hair loss.

Upang mapigilan ang Iron Deficiency, ugaliing kumain ng mga pagkaing mayaman sa iron gaya ng karne, green-leafy vegetables, at isda.

Mas maigi ring kumonsulta sa doctor upang malaman agad ang primary cause of hair loss. Bago pa mangyari ang katakot-takot na paglagas ng buhok sulosyunan na ito ng mga sangkap na madali lang mahagilap.

Para ang ating crowning glory is always happy and healthy!

About Author:


Crislene loves Biology. Spending her time much on reading ebooks in different fields of science. Shares facts and trivia while on Facebook. Get connected and like her page on Facebook Kwentologist.

Thank you for reading posted on the website if you want to redistribute this article please include the link as the source. Have some kuwento to share? !

Latest Posts