Baby sa India Nasunog ng Walang Dahilan. Spontaneous Human Combustion Totoo Nga Ba? ~ Kwentology


Anim na araw mula nang siya ay ipinanganak. Isang sanggol na batang lalaki ang dinala ng ospital sa Chennai, India, doon sa Kilpauk Medical College and Hospital dahil sa mga paso sa kanyang mga paa at binti. Ayun sa mga magulang ng sanggol, bigla na lamang daw itong tinutupok ng apoy at nagsimulang masunog. Ang 22-taong gulang na ina ng bagong panganak ay nagkwento din na hindi ito ang unang pagkakataon na may nangyaring ganito sa kanyang mga anak. Ipinapahayag niya na noong nakaraang taon din lamang isa pa niyang anak na lalaki ay bilaan ding nasunog sa apoy, apat na beses bago ito dinala sa ospital. Sinabi niya na ang karamihan sa mga doktor at mga awtoridad inisip na sinadya ang pagkasunod sa mga bata.

Ano Nga Ba ang Spontaneous Human Combustion?

Ang Ina at ang Sanggol na Biktima ng SHC
Image of Ang Ina at ang Sanggol na Biktima ng SHC
Ang Spontaneous Human Combustion ay isang teorya na ang tao ay bigla na lamang nasusunog na walang dahilan o anumang pwedeng pagmulan na maaaring makasunog. Ang Spontaneous Human Combustion ay isa sa dahilan ng mga 'di mapaliwanag na kamatayan ng mga tao sa US, bagaman mga biktima ay karaniwang matatanda, may sakit o lasinggero at 'di nagawang makatakas sa nag-aalab na apoy. Isang grupo ng pediatrics, psychiatrist, at plastic surgeon ang binuo upang siyasatin ang kaso ng mga bata at ng kanilang mga magulang.

About Author:

Kung kayo po ay may mga kuwento at ulat, maari lamang itong ibahagi online. Lugod po namin kayong inaanyayahan na maging bahagi ng Kwentolohiya (Kuwentolohiya). Bilang isang Kwentologist, ang artikulong inyong sinulat ay mapapasa-ilalim din mismo sa sarili ninyong pangalan, bilang akda at biograpiya para sa inyong pagkakakilanlan.


Makipag-ugnayan lamang kayo sa pamamagitan ng aming contact page.

Thank you for reading posted on the website if you want to redistribute this article please include the link as the source. Have some kuwento to share? !

Latest Posts