Kotseng May Bomba Kumitil ng Buhay at Nag-iwan ng Maraming Sugatan sa Zamboanga ~ Kwentology


Ang lungsod ng Zamboanga, sa katimugang bahagi ng Pilipinas ay niyanig ng isang pambobomba Biyernes hapon.

Ang rehiyon ng ay itinuturing na balwarte ng teroristang Abu Sayyaf, na pawang binubuo ng mga Islamic militants.

Ang sasakyang may bomba ay naka-park sa labas ng isang commercial district malapit sa isang disco bar at sa terminal ng bus. Sa bagsik ng pagsabog nabasag ang mga salamin at nagkalat ang paligid. Dalawa ang naitalang namatay, kasama ang 52 na nasugatan, kabilang ang isang pulis.

Ang bomba ay sumabog lulan ng isang pulang kotse, ayon kay Captain Rowena Muyuela ng militar na naka-base sa Zamboanga Western Mindanao Command.

Sinabi ng mga nakasaksi na pagkatapos sumabog ang kotse, ang kalapit nitong mga sasakyan ay nagsimula ring masunog. Ayun sa mga awtoridad, ang pambobomba ay paghihiganti ng Abu Sayyaf, isang lokal na grupo ng terorista na may relasyon sa Al Qaeda. Higit sa 57 na mga kasapi ng pangkat ay kasalukuyang nakabilanggo sa kulungan ng lungsod ng Zamboanga.

Bakit Nga Ba Binomba ang Zamboanga?

Pinsalang Dulot ng Pagsabog ng Bomba
Image of Pinsalang Dulot ng Pagsabog ng Bomba
Ang alkalde ng bayan ay humihingi na ng tulong sa pambansang pamahalaan na ilipat na ang 57 miyembro ng Abu Sayyaf mula sa kulungan ng naturang lungsod papunta sa mas mataas na security facilities saan man sa bansa, upang maiwasan na ang anumang susunod na tangkal panggugulo ng naturang grupo.

About Author:


Kung kayo po ay may mga kuwento at ulat, maari lamang itong ibahagi online. Lugod po namin kayong inaanyayahan na maging bahagi ng Kwentolohiya. Bilang isang Kwentologist, ang artikulong inyong sinulat ay mapapasa-ilalim din mismo sa sarili ninyong pangalan, bilang akda at biograpiya para sa inyong pagkakakilanlan.


Makipag-ugnayan lamang kayo sa pamamagitan ng aming contact page.

Thank you for reading posted on the website if you want to redistribute this article please include the link as the source. Have some kuwento to share? !

Latest Posts