Operasyon Upang Mai-angat ang Lumubog na AirAsia Jet ay Sinimulan Na ~ Kwentology


Mula sa nag-crashed at lumubog na AirAsia jet sa ilalim ng dagat, naka-recover muli ang mga Indonesian searchers ng ilan pang mga labi sa mga nasawing pasahero nito. Bagama't hindi pinalad sa paglalabay ang naturang eruplano ng AirAsia, maituturing itong isang pambihirang tagumpay para sa paghahanap ng mga natitirang pang mga biktima.
Victims of AirAsia Flight QZ8501
Image of Victims of AirAsia Flight QZ8501
Isang opisyal ng operasyon mula sa National Search and Rescue Agency ng bansang Indonesia ang nagsabi na anim pang mga katawan ang kanilang nakuha mula sa loob ng cabin.

Ito ay dahil na rin sa maaliwalas na kalangitan at magandang kundisyon ng dagat, kaya mas napadali ang kanilang operasyon.

Ang malakas na agos ng tubig sa ilalim ng dagat ang siyang humahadlang sa kanilang pagpanhik sa loob ng katawan ng eroplano. Kaya ang iangat ng tuluyan ang eroplano mula sa pagkakababad nito sa ilalim ng dagat ang susunod nilang plano.

Sa pamamagitan ng pagpapalutang sa nasabing parte ng eroplano, umaasa sila na ang mga natitira pang mga labi ay makukuha na at maibabalik na sa kani-kanilang mga pamilya.

Ang dahilan ng pagbasak ng eroplano ng AirAsia ay hindi pa tukoy. Gayunpaman, sa paunang datus mula sa black box ay nagmumungkahi na ang sasakyang panghimpapawid ay maaaring umangat ng biglaan at nawalan ng kontrol, sa pagtatangkang maka-iwas sa masamang panahon.

About Author:


Kung kayo po ay may mga kuwento at ulat, maari lamang itong ibahagi online. Lugod po namin kayong inaanyayahan na maging bahagi ng Kwentolohiya. Bilang isang Kwentologist, ang artikulong inyong sinulat ay mapapasa-ilalim din mismo sa sarili ninyong pangalan, bilang akda at biograpiya para sa inyong pagkakakilanlan.


Makipag-ugnayan lamang kayo sa pamamagitan ng aming contact page.

Thank you for reading posted on the website if you want to redistribute this article please include the link as the source. Have some kuwento to share? !

Latest Posts