Isang Patay na Lalaki sa China Muling Nabuhay. Lazarus Syndrome, Ano Nga Ba? ~ Kwentology


Sa Hubei, na matatagpuan sa sentro ng Tsina, isang lalaki ang dineklarang patay na ayun sa mga doktor. Ang kanyang pamilya ay naghahanda na sa kanyang palalagak nang napansin nilang humihinga pa ang bangkay.

Dahil dito, agad na dinala ng pamilya ni Ginoong Guo, edad 45, ang kanyang mga labi pabalik sa ospital, kung saan ang mga doktor gulat na gulat nang kanilang matuklasang mali sila tungkol sa kamatayan ng naturang ginoo.

Si Ginoong Guo ay malakas manigarilyo, simula noong siya ay 16-taong gulang pa lamang. Napag-alamang siya ay naninigarilyo ng hindi bababa sa dalawang kaha ng sigarilyo bawat araw at nakaka-ubos ang isang solong pakete sa loob ng tatlong oras lamang.

Ano Nga Ba ang Lazarus Syndrome?

Lazarus Syndrome; Ang Muling Pagkabuhay
Image of Lazarus Syndrome
Matatandaang tatlong buwan na ang nakakaraan, Si Guo ay abalang nakiki-pagkwentuhan sa mga kaibigan nito nang bigla na lamang itong nawalan ng malay. Agad siyang dinala ng kanyang mga kaibigan sa ospital at kung saan sinabi ng mga doktor na si Guo ay may malubhang cerebral hemorrhage, na mas kilala sa tawag na Lazarus Syndrome. Ang sitwasyon, mas mababa pa sa 5% ang tiyansa na mabuhay pa ang taong biktima nito.

Si Ginoong Guo ay nanatili sa pagkaka-coma ng halos tatlong buwan, at pagkatapos isang umaga sinabi na ng mga doktor na siya ay patay na. Pinapaalam na sa kanyang pamilya na maaari na nilang dalhin at ilibing ang mga labi nito.

Sinong mag-aakalang susorpresahin n'ya ang ang lahat ng tao sa muling pagkabuhay nito? Sinabi ng mga doktor na si Guo ay kanilang susubaybayan hanggang muling makabawi ang kanyang utak mula sa matinding pinsala. Ang cerebral hemorrhage ay maaaring magdulot ng pinsala sa utak na nakaka-apekto sa pagsasalita, memorya, at pisikal na koordinasyon ng taong naging biktima nito.

About Author:


Kung kayo po ay may mga kuwento at ulat, maari lamang itong ibahagi online. Lugod po namin kayong inaanyayahan na maging bahagi ng Kwentolohiya. Bilang isang Kwentologist, ang artikulong inyong sinulat ay mapapasa-ilalim din mismo sa sarili ninyong pangalan, bilang akda at biograpiya para sa inyong pagkakakilanlan.

Makipag-ugnayan lamang kayo sa pamamagitan ng aming contact page.

Thank you for reading posted on the website if you want to redistribute this article please include the link as the source. Have some kuwento to share? !

Latest Posts