Unemployment Rate sa Pinas; Mga Pilipinong Walang Trabaho Mas Lalong Tumaas ~ Kwentology


SWS Survey on Joblessness Rate
Image of SWS Survey on Joblessness Rate
Batay sa 2014 4th quarter survey, tatlong sa sampung mga Pilipino ay walang trabaho.

Ayon sa ika-4 na quarter survey ng Social Weather Stations (SWS), may 27% o higit pa sa 12 milyong Pilipino ang walang trabaho.
  • 9% ay sapilitang nawalan ng trabaho o walang renewal sa kanilang mga kontrata
  • habang 14% ay umalis o nagresigned sa trabaho
  • at 3% ay mga first timer, mga bagong graduates na naghahanap pa lamang ng oportunidad.
Gayunpaman, ang Palasyo ng Malakanyang ay mabilis naman itong pinabulaanan. Ayon sa Presidential Communications Operations Office Secretary Herminio Coloma Jr., ang pangunahing priyoridad ng gobyerno ay lumikha ng trabaho at mapalawak ang pagkakataon ng mga mamamayan na makapag-trabaho.

Idinagdag pa ng kalihim na ang administrasyong Aquino ay patuloy sa pagsasagawa ng mga programa upang ang trabaho ay lubos na maging kapaki-pakinabang sa tao at mapantayan ang bawat kakayahan ng mga Pilipino.

Ayon sa SWS, ang nasabing survey ay na-isigawa mula Nobyembre 7 hanggang Disyembre 1 ng nakaraang taon (2014) sa datus na nakalap sa tulong ng halos 1,800 na tao at empleyado sa buong bansa.

About Author:


Kung kayo po ay may mga kuwento at ulat, maari lamang itong ibahagi online. Lugod po namin kayong inaanyayahan na maging bahagi ng Kwentolohiya.


Makipag-ugnayan lamang kayo sa pamamagitan ng aming contact page.

Thank you for reading posted on the website if you want to redistribute this article please include the link as the source. Have some kuwento to share? !

Latest Posts