Mommy Dionisia at ang Kanyang Boyfriend Pupuntang America ~ Kwentology


Naghahanda na si Mommy Dionisia para sa kanyang nalalapit na biyahe patungong America para panoorin ang bakbakang Pacquiao-Mayweather.
Image of Kasama ni Mommy D. s’yempre ang boyfriend na si Michael.
Kasama ni Mommy D. s’yempre ang boyfriend na si Michael.

Hindi lang si People’s Champ Manny Pacquiao ang abala para sa bakbakang Pacquiao-Mayweather. Hinding-hindi palalampasin ni PacMom ang mapanood sa Las Vegas ang inaabangang Mega Fight.

Tatlong linggo bago ang laban, buo na ang pinatahi n’yang gown na susuotin sa big night. Kung s’ya ang papipiliin mas gugustuhin n’ya pa sanag bumili na lamang ng ready-made gown.

Pero pinagawan s’ya ng manugan na si Vice-Governor Jinky Pacquiao ng gown para sa laban.

Ang Filipina-gown ni Mommy D. ay puti ang kulay dahil malinis itong tingnan. Gawa ng designer na taga-General Santos City na si Jhun Ador. Ayun kay Jhun kapag ito ang suot ni Mommy D. madali itong marerecognize na s’yang nga ang ina ni Manny Pacquiao.

Ito na rin ang kanyang gagamitin sa kanyang 66th birthday sa May 15.

Sa kadahilanang malapit na nga ang laban hindi na rin maawat si Mommy D. sa pagpapaganda.

Baon ni Mommy D. ang pananampalataya pero ang higit sa lahat kasama ni Mommy D. ang boyfriend na si Michael.

About Author:


Kung kayo po ay may mga kuwento at ulat, maari lamang itong ibahagi online. Tandaan na ang kwentong Pilipino dapat ay nababasa ng buong mundo.

Makipag-ugnayan lamang kayo sa pamamagitan ng aming contact page.

Thank you for reading posted on the website if you want to redistribute this article please include the link as the source. Have some kuwento to share? !

Latest Posts