How Does Friend Trip App Works [Written in Filipino] ~ Kwentology


Inilunsad ng MMDA ang isang bagong mobile application para sa carpooling. Para bawas sa traffic at iwas polusyon gumamit na ng "FriendTrip" mobile app. Download lamang ito at ikonek sa inyong Facebook lalo na sa mga Android users sa Google Play.

Free lamang ito, awtomatikong makikita ang mga Facebook friends mo na gumagamit ng parehong app kapag naka-konek ka na sa Internet.
Image of How Does Friend Trip App Works
Dalawang kategorya ang makikita kapag ikaw ay user na ng "Friend Tip", ilagay lamang ng tama kung saan ka napapabilang. Kung ikaw ba ay...
  1. driver
  2. o di kaya naman ikaw ay rider.
  • Kung pinili mo ang post trip, pwede kang mag-offer ng trip kung saan ka papunta.
  • Gamit ang Google Maps na pre-installed na sa Friend Trip, i-enter kung saan ka galing at saan ka papunta.
  • Meron Red, Green, at Yellow indicator na makikita sa app para sa mga rider.
    1. Red - puno na ang kotse ng iyong kaibigan.
    2. Yellow - pending pa.
    3. Green - may bakante pa sa kanyang sasakyan.
Maganda ito sa magkakaibigan sa Facebook na nakatira lamang sa malapit o iisang lugar.

Ayun sa MMDA, hindi na ito nangangailangan pa ng prangkisa galing sa LTFRB dahil wala naman ito singilan na nagaganap sa driver at pasahero.

Sinabi rin ng MMDA na posible pang lumala ang problema sa trapiko lalo't inaasahan na papalo sa 300,000 bagong unit ng sasakyan ang maibebenta bago matapos ang taong 2015, 30% sa bilang na ito ang madadagdag sa halos humigit-kumulang na 2 milyong sasakyan dito sa Metro Manila.

MMDA Tips While Using Carpooling Apps

Hindi din naman natin maaasahan ang ating mass transport gaya ng MRT dahil lagi din naman itong nagkaka-aberya. Marami ding college student ang pabor sa Friend Trip subalit nangangamba pa rin ang mga magulang nila lalo na sa kanilang seguridad.

Paalala naman ng MMDA, kailangan dun ka lamang sa pinagkakatiwalaan sasakay. Gayunpaman, kanilang paiigtingin ang pagpapa-unlad ng ganitong klase teknolohiya. Inaabiso na rin nila sa mga gumagamit ng social media na mas lalo pang maging maingat at tiyakin sa lihitimong kaibigan lamang sila makikipag-usap at magtitiwala.

About Author:


Kung kayo po ay may mga kuwento at ulat, maari lamang itong ibahagi online. Tandaan na ang kwentong Pilipino dapat ay nababasa ng buong mundo.

Makipag-ugnayan lamang kayo sa pamamagitan ng aming contact page.

Thank you for reading posted on the website if you want to redistribute this article please include the link as the source. Have some kuwento to share? !

Latest Posts