Senadora Leila de Lima Inamin ang Pag-iibigan Nila ng Driver Bodyguard na si Ronnie Dayan ~ Kwentology


Sa programang Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie Monsod.
Image of Senadora Leila de Lima Inamin ang Pag-iibigan Nila ng Driver Bodyguard na si Ronnie Dayan
Inamin na ni Senadora Leila de Lima na nagkarelasyon nga sila ng kanyang driver at bodyguard na si Ronnie Dayan.

Si Dayan ang isa sa pinangalanan ng mga tumistigo sa pagdinig sa Kamara na bagman umano ng senadora sa umano’y kalakalan ng droga sa National Bilibid Prison.

Bawal na Pag-ibig

Sa kanilang usapan, positibo ring inamin ni Sen. De Lima na kanyang tinulungan umano si Dayan sa aspetong pinansyal. Ngunit hindi raw umano sa puntong pinagawan n’ya na ito ng bahay. Kanya ring sinagot ang dahilan kung bakit nahulog ang kanyang loob at umibig sa naturang driver bodyguard na si Ronnie Dyan. Tumagal rin di umano ang kanilang relasyon ng halos ilang taon dahil nagtiwala sya kay Dayan.

Isyung Imoralidad?

Sa pag-amin nito ng senadora marami ang nagsabi na sirang-sira na ang kanyang kredibilidad. Sa moral na aspeto, ang relasyon na meron sila ni Dayan ay lubhang di kanais-nais sa mata ng masa. Lalo’t si Dayan ay may legal na asawa’t anak.
Image of Isyung Imoralidad sa relasyong De Lima at Dayan
Gayundin ang todo tanggi noon ni Senadora Leila de Lima na wala silang relasyon ni Dayan. Marami tuloy ang nagsasabi bakit daw umano inamin n’ya ngayo’t pinaniniwalaang marahil patay na o pinapatay na si Dayan.

Buhay ni Ronnie Dayan

Ito ba daw ang paraan ni De Lima na maka-iwas sa suspetsang isa s’ya sa posibleng may kinalaman sa nasabing pagpaslang, lalo’t kung totoo ngang pinatay si Dayan? Gagamitin ba n’ya ang kanyang bawal na pag-ibig upang matakasan ang isyu ng posibleng pamamaslang sa taong hanggang ngayon ay hindi alam kung nasaan? Sa taong minsan n’yang minahal?
Thank you for reading posted on the website if you want to redistribute this article please include the link as the source. Have some kuwento to share? !

Latest Posts