DepEd Aprub sa Panukalang Magkaroon Social Media Education Program sa mga Paaralan ~ Kwentology


Isusulong sa senado ang panukalang Social Media Education Program bilang tugon sa tumataas na kaso ng online trolling ng bansa.

Pangulong Duterte: "Online trolls, ayaw ko man yan."
Maaalalang maski ang Presidente Duterte noong panahon ng eleksiyon ay hindi na bago sa kanyang kaalaman ang online trolling. Gayun pa man, mariin din n’yang sinabi na hinding-hindi s’ya gagamit ng mga trolls upang pagtakpan s’ya ng mga pekeng account sa social media.

Ang panukalang magkaroon Social Media Education ay galak na ipapatupad ng DepEd sa oras na maisabatas ito.

Ano Nga Ba ang mga Online Trolls?

Sa tala ng Statista, isang online statistics website na naka-base sa bansang Germany. Mayroong 44 na milyong social media users sa ating bansang Pilipinas. Kasabay ng paglago ng social media community ay ganun din ang pagdami ng mga online trolls.
  • Ito ay isang tao o grupo na nagsisimula ng kaguluhan sa internet sa pamamagitan ng pagpopost ng mga maling impormasyon.
  • Ang mga trolls din ang tagapagtanggol ng mga kilalang indibidwal mula sa negatibong pagtingin ng mga tao. Halimbawa, isang palpak na pulitiko o showbiz personality.
  • Ang mga trolls din ang tinuturong pasimuno ng mga cyber bullying cases.
Dahil dito, isang batas ang isinusulong sa Senado na layong magturo sa mga estudyante ng tama at responsableng paggamit ng social media.

Social Media Education Program sa mga Paaralan

Sa ilalim ng Senate House Resolution 173 ni Senador Bam Aquino. Ang Department of Education (DepEd) ang mangunguna sa Social Media Education Program.

DepEd Sec. Leonor Briones: "We have anti-bullying policies."
Image of DepEd Aprub sa Panukalang Magkaroon Social Media Education Program sa mga Paaralan
We agree with that because everybody is into social media these days and all of us know the good and the harm it can create especially to young girls and young boys.
Sa ngayon pa nga lang pinaghahandaan na ng Kagawaran ng Edukasyon na isama sa bagong kurikulum ng mga estudyante ang Social Media Education Program sa oras na maisabatas ito.

Ngunit habang hindi pa aprubado ang naturang panukala tiniyak ng pamunuan ng DepEd na mahigpit nilang minomonitor ang mga kaso ng cyber bullying sa mga paaralan.

Estudyanteng Namatay Dahil sa Pambubully

Hindi pa man daw umano naipapatupad ang ganitong klaseng panukala sinabi ng kalihim na mayroon na silang mga hakbang na ginagawa tungkol sa sa mga kaso ng bullying. Katulad na lamang daw umano ng nakaraang kaso ng dalawang bata na biktima ng pangbubully. Kung saan isa sa mga ito ang namatay. Kung titignan din umano, dalawang buhay ng mga bata ang nasira.
Thank you for reading posted on the website if you want to redistribute this article please include the link as the source. Have some kuwento to share? !

Latest Posts