Maguindanao Massacre Ano Nga Ba ang Lagay sa Ilalim ng Pamumuno ni Pangulong Duterte? ~ Kwentology


Talaga nga bang napabayaan na ang karumaldumal na “Maguindanao Massacre?”

Ilan sa mga kaanak ng mga nasawi sa nasabing Maguindanao Massacre ay dismayado sa kabiguang makamit ang hustisya para sa mga napaslang na mahal sa buhay noong panahon ng administrasyong Benigno Aquino III.

Karamihan sa mga kaanak ng mga napaslang na mediamen tanggap na ang malagim na sinapit ng mga ito. Subalit, para sa kanila mahalaga pa ring mabigyan ng tamang desisyon ang kaso.

Hustisya sa mga Biktima ng “Maguindanao Massacre”
May mga naipresenta nang mga ebidensiya, sinundan naman ng mga pagdinig, at ang tanging kulang na lang ay ang desisyon ng korte.

Sa ilalim ngayon ng pamumuno ng Pangulong Duterte, umaasa ang mga kamag-anakan ng mga napaslang na matututukan na ang kaso at mapanagot ang may may sala. Lalo’t magaling na fiscal ang presidente at may malawak na kaalaman sa ating judicial system.

Sa ngayon, patapos pa lamang ang korte sa bail petition ng mga akusadong sangkot sa naturang pamamaslang. Ibig sabihin nito, dito pa lamang makakapagdesisyon ang mga hukom kung papayagang makapiyansa ang mga suspect.

Hindi pa dito kasama ang tunay na desisyon sa nakasalang pang kaso.

Image of Hustisya sa mga Biktima ng “Maguindanao Massacre”

Thank you for reading posted on the website if you want to redistribute this article please include the link as the source. Have some kuwento to share? !

Latest Posts