Miss Universe Pageant Kumpirmadong sa Pilipinas Gaganapin ~ Kwentology


Kumpirmadong dito sa Pilipinas gaganapin ang Miss Universe Pageant sa susunod na taon.

Ayun kay Tourism Secretary Wanda Corazon Teo, handa ang kagawaran para sa nasabing pageant at nakalatag na rin ang mga plano para sa maayos na pamamalakad at programa nito.

Nakatakda ring gumawa ng sari-saring aktibidad at photo shoot ang iba’t-ibang kandidata ng patimpalak sa ilang pangunahing tourist destination sa bansa.

Steve Harvey, Makakabawi Kaya sa Kanyang Kapalpakan?

Kinumpirma din ng kalihim na si Steve Harvey ang muling magho-host ng nasabing pageant batay na rin sa kontrata nito.

Kelan Ba Gaganapin ang Miss Universe sa Pilipinas?

Nakatakda ang Miss Universe Pageant sa Pilipinas sa petsang Enero 30, taong 2017. Ito na ang pangatlong beses na maidaraos ang Miss Universe sa bansang Pilipinas.

Image of Miss Universe Pageant Kumpirmadong sa Pilipinas Gaganapin

Thank you for reading posted on the website if you want to redistribute this article please include the link as the source. Have some kuwento to share? !

Latest Posts