OFW Voter's Registration Magsisimula na Ngayong December 2016 ~ Kwentology


Sisimulan na ng Commision on Elections (COMELEC) ang voter’s registration para sa mga overseas Filipino workers (OFW) sa susunod na buwan upang makaboto sa idaraos na mid-term elections sa darating na taong 2019.

Bubuksan na ng COMELEC sa December 1, 2016 ang pagpaparehistro para sa ating mga kababayan sa ibayong dagat na nais bumoto sa 2019 mid-term elections.

Batay sa section 6 ng COMELEC Resolution 10167, lahat ng mga Pilipino sa abroad na may edad 18 taong gulang pataas sa panahon ng 30-day voting period at pinapayagan ng batas na bumoto ay maaring magparehistro.

Atty. Maria Juana Valeza

Director 3, COMELEC Office for Overseas Voting
It will be more than 24 months of registration. So we aim to reach at least 2 million registered overseas voters for the purposes of the 2019 Elections.

Lahat ng mga Overseas Filipino voters ay maaaring pumunta sa pinakamalapit na embassy o consulate offices upang magparehistro.

COMELEC Online Registration

Maaring din naman kayong magregister online gamit ang iRehistro facility ng COMELEC.

Upang makarehistro gamit ang iRehistro facility ng COMELEC, bisitahin lamang ang upang makakuha ng Overseas Form No.1 (OVF 1.)
  1. Maaring gamitin ang inyong cellphone sa pagrerehistro.
  2. Matapos magfill-up ng OVF 1 pumunta lamang sa malapit na voter’s registration offices sa inyong lugar.
  3. Pagdating n’yo doon wala kayong papel na dala, ibigay lamang ang inyong pangalan o mas maigi ang barcoding results sa inyong cellphone.
  4. Itatapat ang barcode na ito sa Voter Registration Machine (VRM) upang ang mismong makina na ang magpoproseso ng inyong pagrerehistro.
  5. Kukuhanan kayo ng inyong mga “biometrics” bilang pagkumpleto sa inyong pagpaparehistro.
Magpapadala rin ang COMELEC ng kanilang mga representatives sa iba’t-ibang bansa ngayong Nobyembre upang paghandaan ang voter’s registration para sa mga OFW ngayong Disyembre. Ang registration ay tatagal hanggang September 30, 2018.
Image of Bubuksan na ng COMELEC sa December 1, 2016 ang pagpaparehistro para sa ating mga kababayan sa ibayong dagat na nais bumoto sa 2019 mid-term elections.
Thank you for reading posted on the website if you want to redistribute this article please include the link as the source. Have some kuwento to share? !

Latest Posts