Pagbisita ng Pangulong Duterte sa Malaysia sa Susunod na Linggo Na ~ Kwentology


Nakatakdang bumisita si Pangulong Rodrigo Duterte sa Malaysia mula November 9 hanggang 10 at kabilang sa tema ng usapin ay ang pamimirata sa karagatan sa pagitan ng naturang bansa at ng Pilipinas.

Bagama’t wala pang opisyal na listahan ng Philippine government delegation, sa susunod na linggo na ang biyahe ng Pangulong Rodrigo Duterte patungong Malaysia.

Ang Malaysia ang pang-anim na bansa na kanyang pupuntahan biglang chief-executive ng bansa matapos bisitahin ang mga bansang sumusunod;
  1. Laos
  2. Vietnam
  3. Brunei
  4. China
  5. Japan

Philippine President Rodrigo Duterte:
I am going there to complete the tour because those are the countries that would really matter to me. Malaysia, because we have the Malacca Strait, this piracy going on, every now and then.

Samantala, sinabi naman ni Secretary Delfin Lorenzan na wala pa namang napagkakasunduan ang Pilipinas, Indonesia, at Malaysia kaugnay ng konsepto ng pagkakaroon ng joint air patrol ng tatlong bansa sa Sulu Sea.
Defense Secretary Delfin Lorenzan:
Concept pa lang yun. Gagawin pa naming Defense Minister ng Indonesia at Malaysia ang mechanics at details. Mag-uusap pa kami ulit.

Kinakailangan pa aniyang magkaroon ng muling pag-uusap ang mga defense ministers upang buuin ang proseso at detalye ng magiging operasyon nito.

Isa rin ito sa mapag-uusapan sa Malaysia sa pagtungo ng pangulo doon sa susunod na linggo, Bukod dito, inaasahan din na haharapin ni Pangulong Duterte ang mga Filipino Communities sa Malaysia.
Image of Pres. Duterte, bibisita sa Malaysia sa susunod na Linggo
Thank you for reading posted on the website if you want to redistribute this article please include the link as the source. Have some kuwento to share? !

Latest Posts